Dr. Lilia T. Habacon
UPRHS Class of 1974 Silver Jubilarian
Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science in Statistics mula sa University of the Philippines Los Baños, Cum Laude, at Master of Science in Statistics mula sa University of the Philippines Diliman. Siya ang unang Executive Director ng Philippine Science High School System na nakatapos ng anim na taong termino at pinalawig ng Civil Service Commission ng isa pang taon dahil sa kanyang mahusay na pamamahala (mula 2017 hanggang 2024). Naglingkod siya sa gobyerno sa loob ng tatlumpu’t limang taon bilang isang propesor sa unibersidad, administrador, at tagapagtaguyod ng STEM education sa UP Los Baños, Southeast Asian Ministers of Education Organization – Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEAMEO-SEARCA), National Book Development Board, at Philippine Science High School System.
Ang kanyang FORWARD Framework para sa PSHS System ay in-adopt ng Department of Science and Technology bilang bahagi ng kanilang anim na taong strategic development plan. Pinangunahan niya ang pag-institutionalize sa mga programa at aktibidad ng PSHS System para sa mga mag-aaral at guro na nagresulta sa hindi bababa sa isang daang intellectual properties sa anyo ng industrial design, utility model, at patent.
Sa panahon ng pandemya, isinulong niya ang pagpapatupad ng PSHS Curriculum under Remote or Blended Learning para sa patuloy na pag-aaral ng mga estudyante, ang paglikha ng PSHSS Learning Management System na kilala bilang Knowledge Hub (o KHub) upang gawing accessible online ang mga learning guides, at ang Requirement for Admission, Criteria, and Evaluation (o RACE) bilang alternatibong sistema ng pagpasok sa PSHS.
Ang kanyang masikhay at magaling na pamumuno ay nagresulta sa pagtaas ng bilang ng mga estudyante ng PSHS mula 4,915 (Apat na libo, siyam na raan at labinlima) noong 2016 patungo sa 9,729 (siyam na libo, pitong daan at dalawampu’t siyam) noong 2022. Pinangunahan niya ang pag-develop ng PSHS Quality Management System at mga core services manuals na mga pangunahing pangangailangan para sa ISO Certification.
Siya ay kinikilala sa kanyang kontribusyon at kahusayan sa pagiging isang natatanging lider at tagapagtaguyod ng edukasyon. Noong 2022, siya ay pinarangalan bilang Outstanding Government Worker ng National Capital Region sa Presidential Lingkod Bayan Award. Taong 2020, siya ay ginawaran ng University of the Philippines Los Baños College of Arts and Sciences bilang Distinguished Alumni Awardee para sa Educational Administration and Leadership. Taong 2019, nakamit nya ang First Place sa Queensland University of Technology (QUT) Impact Story Award, at ang 2019 Woman Leader ng Department of Science and Technology. Siya rin ay tatlong beses na tumanggap ng Australian Awards Fellowship.
Dr. Ma. Janeece D. Navasero-Natividad
UPRHS Class of 1999 Silver Jubilarian
Isang kilalang propesyonal sa larangan ng anesthesiology at isa sa mga kilalang pangalan sa medisina sa ating bansa. Siya ang kasalukuyang Chairman ng Department of Anesthesiology sa Calamba Medical Center, Pamana Medical Center, at AMSI Doctors Medical Center.
Siya ay nagtapos bilang cum laude sa Bachelor of Science in Psychology sa UP Diliman at nagtapos ng doctor of medicine sa UP College of Medicine. Siya ay naging licensed physician noong 2008 at nakakuha rin ng lisensya sa United States Medical Licensing Examination noong 2009. Noon 2014, siya ay naging Rank 1 sa Philippine Board of Anesthesiology Written Examination.
Siya ay nagtapos ng kanyang fellowship sa Department of Anesthesiology sa University of the Philippines-Philippine General Hospital, kung saan siya ay naging bahagi ng Section ng Pediatric Anesthesia.
Bilang isang tagapaglingkod sa kanyang propesyon, siya ay aktibo sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Philippine Society of Anesthesiologists at Philippine Medical Association. Hindi lamang siya mahusay sa kanyang larangan, kundi nagpakita rin siya ng kahusayan sa pananaliksik, kabilang ang kanyang pagiging Principal Investigator sa ilang pag-aaral sa UP-Philippine General Hospital at UP College of Medicine.
Isa siya sa mga nagsisilbing inspirasyon sa kanyang komunidad, hindi lamang dahil sa kanyang tagumpay sa larangan ng medisina kundi pati na rin sa kanyang dedikasyon sa pagtulong sa kapwa at sa pagpapalawak ng kaalaman sa kanyang larangan.